Guro ko, Inspirasyon ko
Sa aking alaala guro namin sa elementarya,
Kayo ang ilaw sa landas ng pag-aaral,
Sa paglago't tagumpay.
Sa aking isipan iyo'y inilatag
Ang butil ng kaalaman.
Sa mga aklat na bukas at
Sa mga papel na malinis,
Naglalakbay ang kaisipan ng kabataan.
Sa mga bagong sibol ng isipan at karanasan,
Ang mga aral mo, aking kayamanan.
Kami'y inyong ginabayan,
Sa karunungan at pag-unlad,
Kayo'y naging ilaw.
Walang kapantay ang inyong dedikasyon
Sa bawat pangaral at oras na inyong inilaan.
Pagtuturo't pag-aaruga, walang sawang inyong ginawa
Hindi lamang sa silid-aralan, kundi sa puso't isipan
Ang inyong mga aral ay nagtatagal.
Ang iyong mga payo'y ilaw sa kadiliman,
Kami'y inyong ginabayan,
Sa karunungan at pag-unlad,
Kayo'y naging ilaw.
Walang kapantay ang inyong dedikasyon
Sa bawat pangaral at oras na inyong inilaan.
Pagtuturo't pag-aaruga, walang sawang inyong ginawa
Hindi lamang sa silid-aralan, kundi sa puso't isipan
Ang inyong mga aral ay nagtatagal.
Ang iyong mga payo'y ilaw sa kadiliman,
Salamat sa iyo, guro kong tunay na mahal.
Kaya't sa tula kong ito, aking pinararangalan,
Aming mga gurong dakila, kayo'y aming Ispirasyon. Sa inyong mga kamay, kami'y Nabubuklod at nagkakaisa, Sa inyong mga aral, Kami'y laging magmamahal at magpapahalaga.
No comments:
Post a Comment